top of page

Ang napakagandang ilog Zambezi ay may itinatagong isang hindi pangkaraniwang hiwaga na magpahanggang ngayon ay pinaniniwalaan ng marami lalo na ng mga mamamayan ng tribongTonga o Ba Tonga na naninirahan sa magkabilang pampang ng ilog Zambezi.

 

Ayon sa mitolohiya, sa loob ng napakahabang panahon, si Nyaminyami, ang diyos ng ilog ay tahimik na naninirahan sa Lawa ng Kariba na karugtong ng ilog Zambezi kasama ang kanyang asawa.Maraming katutubo na raw ang nakakita kay Nyaminyami tulad ni Pinunong Sampakaruma subalit walang matibay na ebidensiya makapagpapatunay rito. Si Nyaminyami ay my ulo ng isang isda at katawan ng isang ahas. Ang sabi ng mga tao ay tinutulungan sila ni Nyaminyami kapag may mga sakuna dahil ito raw ang nagpapadala ng kanilang mga nahuhuli sa ilog.

 

Pinaalis ng mga Puti ang mga mamamayan sa mas mataas na bahagi ng ilog at pinutol ang mga matatandang puno upang gawing tirahan ng mga manggagawa at ng makagawa ng daan.Isang araw, may mga dumating na mga inhinyerong Puti at nagsabing sila ay gagawa sa mismong ilog na titirhan ng diyos na si Nyaminyami. Natakot ang mga tao dahil sa pwedeng maging parusa ng diyos ng ilog. Nagbabala ang mga matatanda sa tribo ng Tonga na wag nang ituloy ang kanilang proyekto. Tumawa lamang ang mga taong Puti at nagsimula nang gawin ang nasabing Dam ng Zambezi. At madaming trahediya ang nangyari habang ginagawa ang Dam kagaya ng malupit na bagyo na pumatay at umanod sa itim at puti. An itim ang nakitang lumulutang lutang ngunit ang puti ay hindi, kaya pinuntahan ng mga puti ang itim at tinanong kung bakit hindi nila nakikita ang patay na katawan ng puti. Sabi ng mga itim ay itinago ito ng Diyos at dapat magalay ng baka ngunit tinawanan lang ito ng mga puti. Ginawa naman ito ng itim at nagsilabasan ang katawan ng mga puting patay. Sa huli, napatayo pa rin ang Dam kahit madaming bagay ang tumitigil dito.

bottom of page