top of page

Ang anekdota ay isang maikling pagsasalaysay ng isang makatawag-pansin o nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao na kadalasa'y kilala o tanyag. Ang pagsasalaysay ay karaniwang maikli at ang mga pangyayari ay maaaring totoong nangyari sa buhay ng nasabing tao o maari ding mga likhang-isip lamang subalit halos nahawig sa katotohanan.

 

Ang anekdotang hango sa tunay na buhay ng isang tao ay nagbibigay ng pagkakataon upang lalo pang makilalang mga mambabasa o tagapakinig ang totoong pagkatao o ang personal na buhay ng taong pinatutungkulan nito. Ang anekdotang likhang isip at hindi base sa tunay na buhay ay madalas na may paksang katatawanan subalit may taglay na mensaheng kapupulutan ng aral ng mga mambabasa.

 

Paalala sa pagsulat ng sariling anekdota:

-Alamin mo ang layunin o paksang panggagamitan mo ng personal na anekdota.

-Pakaisiping mabuti ang mga detalye sa pangyayaring ilalahad mo bilang personal na anekdota.

-Sa pagsasalysay nito'y huwag agad sasabihin ang kasukdulan dahil mawawala ang pananabik ng mambabasa o tagapakinig sa kabuoan nito.

-Iwasang gumamit ng mabibigat bna salitang hindi agad mauunawaan ng mga mambabasa o tagapakinig.

-Kung gagamitin mo ang anekdota sa pagtatalumpati o pagsasalita ay mahalagangmakapagensayo ka upang mailahad ito nang mabisa.-Bilang pagwawakas ay bigyang diin ang dahilan kung bakit mo inilahad ang anekdotang ito.

bottom of page