
NoraNeko Reviewer
Ang debate ay isang pakikipagtalong may estruktura.
Isinasagawa ito ng dalawang grupo o pangkat na may magkasalungat na panig tungkot sa isang napapanhong paksa; ang dalawang panig ay ang proposisyon ( o sumasang-ayon) at ang oposisyon ( o sumasalungat).
May isang moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang mga tuntunin ng debate. Sa pagtatapos ng debate ay may mga huradong magpapasiya kung kaninong panig ang higit na nakapanghikayat.
Ang mga hurado ay dapat walang kinikilingan sa dalawang panig ng mga nagde-debate at kailangang nakaupo nang magkakalayo sa isa't isa at hindi mag-usap-usap bago magbigay ng kani-kanilang hatol upang maiwasang maimpluwensiyahan ang hatol ng isa't isa.
Di tulad ng mag karaniwang argumento sa pagitan mo at ng iyong pamilya o mga kaibigan, ang bawat kalahok sa isang pormal ma debate ay binibigyan ng pantay na oras o pagkakaton upang makapaglahad ng kani-kanilang mga patotoo gayundin ng pagpapabulaan o rebuttal. May nakatalaga ring timekeeper sa isang debate upang matiyak na susundin ng bawat tagapagsalita amg oras na laan para sa kanila. karaniwang ang paksa sa isang debate ay ibininbigay nang mas maaga upang mapaghandaan ng dalawang panig ng kani-kanilang mga argumento.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater :
Ang sumusunod ay mga karaniwang pinagbabasehan ng mga hurado sa pagiging mapanghikayat kaya't kailangang isalang-alang ng isang debater.
∵Nilalaman ー Napakahalangang may malawak na kaalam ang isang debater patungkol sa panig na kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa ng debate. Kailangan niyang magkaroon ng sapat na panahon upang mapaghandaan ang sandaling ito at kasama sa paghahanda ang malawakang pagbabasa, pananaliksik, at pangangalap ng datos at ebidensiya tungkol sa paksa upang magbigay ng bigat at patunay sa katotohanan ng kanyang ipinahahayag.
∵Estilo ー Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang babanggitin sa debate. Papasok din dito ang linaw at lakas o tanginting ng kanyang tinig, husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili at iba pa.
∵Estratehiyaー Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento, at kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposiyon. Dito makikita kung gaano kasuhay ang pagkakahabi ng mga argumento ng magkakapangkat. Mahalagang mag-usap at magplano nang maigi ang magkakapangkat upang ang babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay susuporta at hindi kokontra sa mga sasahibin ng iba.
Mga Uri o Format ng Debate :
Maraming iba't ibang uri ng debate subalit ang pinakakaraniwang ginagamit ng mga mag-aaral ay ang mga debateng may uri o format na Oxford at Cambridge.
Sa Debateng Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan, maliban na lang sa unang tagapagsalita na wala pang sasalaging mosyon kaya't mabibigyan ng isa pang pagkakataon magbigay ng kanyang pagpapabulaan sa huli. Sa pagtindig ng bawat kalahok upang magsalita ay magkasama na niyang inilalahad ang kanyang patotoo (Contructive remark) at pagpapabulaan (rebuttal).
Sa Debateng Cambridge, ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang magsalita. Una ay para ipahayag ang kanyang patotoo at sa ikalawa ay para ilahad ang kanyang pagpapabulaan.