NoraNeko Reviewer
Negosyo:
1. Micro at maliit na industriya
Lumilikha ng mga produkto na yari sa kamay o handicraft product.
Industriyang binibigyan ng insentibo ng pamahalaan.
2. Medium Scale Industries
Malaki ang puhunan na di hihigit sa isang milyon.
Bilang ng manggagawa ay mahigit 100 hanggang 200.
Gumagamit ng mga makina sa paglika ng produkto.
3. Malaking Industriya
Sumasakop sa paggawa ng maraming produkto tulad ng kotse, semento, gamot, langis, inumin, bakal.
Lumilikha ng mga industrial at consumer's good.
Demand= Kagustuhan + Kakayanan
Microeconomics ay nakatuon sa pagsusuri ng maliit na bahagi ng ekonomiya. Ito ay ang kilos, gawi at ugali ng bawat mamimili at prodyuser, galaw ng pamilihan.
Mga Uri ng Samahang Pangnegosyo o Mga Organisasyon ng Negosyo:
Samahang pangnegosyo ay isang institusyong pangekonomiya na may kinalaman sa paglikha ng mga produkto upang kumita.
1. Isahang Pangmamay-ari (Solo Proprietorship)
Pinapangasiwaan ng issang tao lamang.
Siya ang nagsisilbing entrepreneur at investor.
Maliit na negosyo lamang.
2. Sosyohan (Partnership)
Pinapangasiwaan ng dalawang tao na magkasosyo.
Halimbawa ay mga tindahan o tiyangge.
Medyo malaking negosyo.
3. Korporasyon (Corporation)
Pinangangasiwaan ng grupo ng mga negosyante.
Halimbawa ay mga mall.
Malakihang negosyo.