NoraNeko Reviewer
Pagsasaling wika - pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na mensahe ng tekstong isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan (translation).
Mga paaala o pamantayan sa pagsasaling-wika:
1. Alamin ang paksa ng isasalin. Magbasa o magsaliksik upang mapag-aralan ito at magkaroon nang mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.
2. Basahin ng ilang beses ang tekstong isasalin. Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang ipaliwanag o muling isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong harapan. Hindi dapat baguhin, palitan, o bawasan ang ideya o mensahe ng iyong isinasalin.
3. Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mesahe at hindi lang mga salita. Hindi sapat na bata tumbasan lang ng salita mula sa pinsagmulang teksto ng isa ring salita sa pagsasalinang wika dahil literal lang ang kalalabasan ng pagsasalin at maaaring hindi mapapalabas ang tunay na diwa ng isinasalin.
4. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa. Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong nauunawaan ang kahulugan at tiyak na mauunawaan di ng mga mambabasa upang higit na maging natural o malapit ang orihinal sa salin.
5. Ipabasa sa isang ekperto sa isang wikang pinagsalinan o sa isang katutubong nagsasalita ng wika ang iyong isinasalin. Makakatulong nang malaki ang pagbabasa ng isinalin sa isang taong ekperto o katutubong nang wikang ito upang mabigyang-puna niya ang paraan ng pagkakasalin at masabi kung ito ba’y naaangkop na sa konteksto ng isng taong likas na gumagamit ng wika.
6. Isaalang-alang ang iyong kaaalaman sa genre ng akdang isasalin. Makakatulong sa epektibong pagsasalin ang kaalaman ng tagapagsalin sa genre na kinabibilangan ng isasalin. Kung tula ang isasalin, kailangn lumabas parin itong isang tula at hindi prosa. Kung ito’y may sukat at tugma, kailangang pagsikapan na tagapagsaling mapanatili rin ito.
7. Isaalang-alang ang kultura at kenteksto ng wikan isasalin at ng pagsasalinan. May mga pakakataon kasing ang paraan ng pagsasaayo ng dokumento sa isang wika depende sa kanilag nakasanayan ay naiiba sa wikang pagsasalinan kaya’t dapat din itog bigyang-pansin ng magsasalin.
8. Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinangsa pagdaan ng panahon at napagbubuti ng karanasan. Kung sakaling sa unang pagtatangka mo ay hindi mo agad magawang makapagsalin nang halos kahimig ng orihinal ay huwag kang mag-alala dahil habang tumatagal ka sa gawaing ito at nagkakaroon nang mas malawak na karanasan ay lalo kang gagaling at magkakaroon ng kahusayan sa gawaing ito.